Late night thoughts…

https://drive.google.com/uc?export=view&id=1wNyc_w4gB6GH2NsJBS1fAnvaxIUCcqdD
(Enrique, Regina & Moi)

Bukod sa pride march, proclamation rally ni leni sa qc circle. Yung pag attend sa 36th anniversary ng Edsa Revolution na siguro yung nag pa-realize sa akin na marami pang kailangan gawin.

Ang daming nangyayari may pinatay na mga gurong aktibista, patuloy pagsasawalang bahala ng gobyerno ni Duterte sa Covid crisis ng bansa, may tumatakbong anak ng Diktador.

Sobrang nakakabahala, kalat at libre ang mga impormasyon pero patuloy parin na naniniwala ang karamihan sa  kasinungalingan.

Kahit ang mga kapulisan at sundalo na dapat naninindigan sa ating soberanya at nagtatanggol sa pangkaraniwang pilipino ay sinusuportahan pa ang estado at nagiging kasangkapan ng mga pasista para kumitil ng progresibong tao/grupo.

May nakausap akong matanda kanina sa rally, saksi raw siya nung 1986 people power. At her age, pumunta parin siya para i-commemorate at pigilan ang pag babalik ng mga Marcoses sa kapangyarihan.

https://drive.google.com/uc?export=view&id=12KWDTcvsYjQt1KrlHTD6xn2p98bfb92j

Nakakapagod pero hindi susuko. Hindi ko pinili maging aktibista, ginagawa ko ‘to para sa mga mahal ko sa buhy kahit pa bbm at dds ang pamilya ko lalaban tayo.

Dahil kailan man ang AKTIBISTA ay hindi TERORISTA.

Share:

0 comments

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...